Thursday, September 9, 2010

50 Payo para sa Magulang by : Gammy Alba



1. Mahalin ang inyong anak  unconditionally !

" Love n'yo po ba ako palagi ? "

 Hindi lahat ng anak ay kayang magtanong nang ganito sa kanyang magulang. Pero natitiyak ko na lahat ng anak ay gustong maramdamang mahal siya ng kanyang mga magulang, hindi lamang sa panahong nakalulugod ang kanyang ginagawa kundi maging sa panahong siya ay nagkakamali o nagkakasala.
  
 Kung ang pagpapakita ng pag-ibig ng magulang ay nakabatay lang sa mga achievements at sa nakalulugod na gawa ng anak, hindi nagiging totoo ang anak sa kanyang sarili at sa magulang. Maaaring magdulot ito ng problema sa personality, characterself-esteem ng anak. Maaaring magrebelde ang anak at patuloy siyang magpakasama. at sa

 Dapat ipakita ng magulang na mahal na mahal niya ang kanyang anak hindi lang pag may honor o mataas na marka sa eskwela. Kahit pasang-awa lang siya o kahit minsa'y bagsak pa, ipakitang mahal pa rin siya.

 Hindi dapat itatwa o isumpa ang anak kahit anong kasalanan o pagkukulang ang kanyang nagawa kahit pa nalulong sya sa droga, nagloko sa eskwela o nabuntyis sa pagkadalaga.

 Mahalin ang anak dahil siya ay anak !

2. Palakihin ang anak sa turo at disiplina ng Dios.

3. Tanggaping may limitasyon ang kabutihang magagawa sa inyong anak.

4. Disiplinahin nang tama ang inyong anak.


5. Gawin ang pagtutuwid sa anak sa pribadong lugar.


6. Huwag hayaang iba ang dumisiplina sa inyong anak.


7. Utusan ang anak sa angking kakayanan nito.


8. Huwag magpapadala sa manipulasyon ng anak.


9. Iwasan ang pagbibitiw ng maaanghang  at masasakit ma salita sa inyong anak.


10. Palagiang ipanalangin ang anak.


11. Makinig kayo kapag nagsasalita ang anak.


12. Iwasang mag-away sa harap ng mga anak.


13. Maging mabuting halimbawa sa inyong anak.


14. Ipakita sa inyong anak na siya ay mas mahalaga kaysa sa anumang bagay na meron kayo.


15. Iwasang mag-nag sa inyong anak.


16. Say "Please" pag inuutusan ang anak.


17. Say  "Thank you " pag ginawan nang mabuti ng inyong anak.


18. Iwasan ang favoritism.


19. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang pangangailangan ng anak.


20. Sikaping ang anak ay maging masipag, maagap at maabilidad.


21. Ituro sa anak ang tiyaga at pasensiya.


22. Ituro sa anak ang pagpapahalaga sa kapwa.


23. Mag-ingat sa pagkukumpara ng anak sa iba.


24. Sanayin ang anak na mag-aral mabuti.


25. Turuan ang anak tungkol sa human sexuality.


26. Hindi kailangang ibigay ang lahat ng hinihingi ng anak.


27. Iiwas ang anak sa pag-ibig sa pera.


28. Ituro sa anak ang pag-ibig sa bayan.


29. Ituro sa anak ang tamang pagbibigay.


30. Sikaping matuto ang anak na ipagtanggol ang sarili.


31. Tuparin ang ipinangako sa anak.


32. Matutong tumanggap ng pagkakamali at humingi ng tawad sa anak.


33. Isangkot ang anak sa paggawa ng mga pagpapasyang pampamilya.


34.Pahalagahan ang tiwala sa inyo ng inyong anak.


35. Sikaping huwag biguin ang inyong anak.


36. Huwag maging mapaghanap ng kamalian  ng anak.


37. Ipadama sa inyong anak na siya'y tanggap at kabilang sa pamilya.


38. Makipagkwentuhan sa inyong anak.


39. Bigyan ang anak ng magandang simula sa umaga.


40. Ipakita sa anak ang masipag at maayos na paggawa.


41.Turuan ang anak na maging mapagpasalamat.


42. Kapag nagsalita ang anak, hayaang matapos ang pagsasalita at unawain.


43. Igalang ang kakanyahan at kakayahan ng anak.


44. Ituro sa anak ang paggalang sa nakatatanda.


45. Iwasang maging kunsintidor na magulang.


46. Ilayo ang anak sa masamang bisyo.


47. Pakainin ang anak ng wastong pagkain.


48. Iiwas ang anak sa malalaswang panoorin at babasahin.


49. Bigyan ng tamang pansin ang anak.


50. Turuan ang anak na ibigin ang Dios.









No comments:

Post a Comment